Home ENTERTAINMENT Fan, magbebenta ng kidney makapanood lang ng Regine-Vice concert!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Fan, magbebenta ng kidney makapanood lang ng Regine-Vice concert!June 27, 2025 16:541990 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Ibang klase rin kung sumamba ang ilang fans sa kanilang mga idolo.Tulad na lang ng ilang mga tagasuporta nina Regine Velasquez at Vice Ganda.May two-night concert kasi ang real-life friends sa August 8 at 9.Very apt pero simple lang ang pamagat nito–Super Divas.Take note, nakakalula ang presyuhan ng mga tickets.Ang pinakamababa ay P500 para sa general admission.Ang most expensive ticket naman ay nagkakahalaga ng tumataginting na P15k!Hindi sure kung sa P15k ay may kasamang merch items para at least ay sulit naman.And this early ay gumagalaw na raw ang ticket sales.Obyus na nang-iinggit lang ang mga nakabili niyon.Hindi naman nagpakabog ang llang fans eager to watch Regine and Vice Ganda perform together.‘Yung isa ngang fan ay nag-advertise pa na for sale daw ang kanyang internal organs tulad ng kidney, may pambili lang daw siya ng ticket sa concert.Obyus namang nagbibiro ang fan na healthy naman daw kaya sunggaban na raw ang kanyang offer. Ronnie Carrasco III