Home NATIONWIDE Malaking ambag ng seafarers, kinilala ng Simbahan

Malaking ambag ng seafarers, kinilala ng Simbahan

268
0

MANILA, Philippines – Kinilala ng Simbahan ang malaking ambag ng seafarers sa ekonomiya at pagpapalaganap ng pananampalataya.

Kaya naman tiniyak ng Stella Maris Philippines na isulong ang higit na pagpapabuti sa kapakanan ng mga Filipino Seafarers at mandaragat sa buong mundo bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day of the Seafarer noong Hunyo 25.

Ibinahagi ni Stella Maris Philippines CBCP-Bishop Promoter Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagpupunyagi ng simbahan upang higit na maisabuhay ang temang ‘My Harassment-Free Ship’ para sa karapatan at kapakan ng mga mandaragat.

Inihayag ng Obispo na kinikilala ng simbahan ang misyon bilang mandaragat, higit na ng mga Filipino Seafarers na bukod sa kanilang trabaho ay pinapalaganap din ang pananampalataya at higit na pagkakaisa upang mapatibayang pagkakapatiran.

Apela ni Bishop Santos sa mga employers, pamahalaan, mandaragat at bawat isang kabilang sa Seafaring Sector ang paggalang sa mga barko bilang sagradong lugar kung saan bukod sa pananampalataya ay higit na naisusulong ang pagkakapatiran, pagkakaisa, paggalang sa dignidad ng buhay at katarungan sa paglalayag.

Patuloy na mensahe ni Bishop Santos ang pananalangin at pag-aalay ng misa para sa kapakanan ng mga mandaragat.

Sa tala, umaabot sa 1.9 milyon ang bilang ng mga mandaragat sa buong mundo, sa datos ng pamahalaan. Jocelyn Tabngcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here