Home NATIONWIDE WFH set-up, mas gustong applyan ng mga kabataan

WFH set-up, mas gustong applyan ng mga kabataan

243
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE), mas gusto na ngayon ng mga kabataang manggagawang Pilipino ang work-from-home (WFH) kapag naghahanap ng trabaho.

Sinabi ni Labor Undersecretary Carmela Torres na may pagbabago sa mga hanap ng kabataan, tulad ng mas makabuluhang trabaho na tugma sa mga global trends, kasama na ang flexible na oras, digital na trabaho, at mga gawain para sa kalikasan.

Binanggit niya na kailangang baguhin ng gobyerno ang mga programa upang maging handa ang mga kabataan sa mga bagong pangangailangan.

Tinatayang 6.415 milyon ang kabataang workforce ng bansa noong Abril 2025, at 88 porsyento rito ay nagtatrabaho. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here