MANILA, Philippines – Isang bagong bagyo (Tropical Depression) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at isang Low Pressure Area (LPA) sa Northern Luzon ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, hindi papasok ang nasabing bagyo sa PAR at wala itong magiging epekto sa lagay ng ating panahon.
Magpapaulan naman ang LPA sa ilang bahagi ng Luzon at malaki ang tyansa nitong maging bagyo na tatawaging “Bising”, sa loob ng 24 oras.
Ito ay maaaring magtala ng wind signal no. 1 sa mga lugar sa silangang bahagi ng Northern Luzon at Central Luzon, ayon sa PAGASA.
Bukod dito, ang habagat ay magdadala ng kalat kalat na pag ulan sa nalalabing bahagi ng bansa, kasama ang Metro Manila at Western Visayas. RNT / MND