Home METRO Mag-inang indiano huli sa P1.3M pekeng mantika

Mag-inang indiano huli sa P1.3M pekeng mantika

251
0

ISABELA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng mag-inang Indian National o Bumbay matapos na mahulihan ng peke o hindi rehistradong mantika na nagkakahalaga ng P1.3M sa kanilang imbakan sa Brgy. Patul, Santiago City.

Ayon kay CIDG Acting Director, Police Brigadier General Romeo Macapaz, nakilala ang mga suspek sa mga alyas na “Kulvinder” at ang anak nitong si “Kamaljot.”

Umaabot sa ang 273 containers ng “Unregistered” cooking oil na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱1.3 milyon sa isang matagumpay na operasyon.

Kasunod nito nagbabala ang PNP-CIDG sa publiko hinggil sa pagkalat ng mga hindi rehistradong mantika o cooking oil sa merkado na maaaring makapinsala sa kalusugan.

Nabatid na walang kaukulang lisensya mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang mag-ina para magbenta ng nasabing produkto—isang tahasang paglabag sa FDA Act of 2009.

Binigyang-diin ni PBGen. Macapaz, ang mga hindi rehistradong mantika ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri, kaya’t may panganib itong idulot sa kalusugan ng mga gumagamit nito. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here