Home ENTERTAINMENT Kiray, certified milyonarya na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kiray, certified milyonarya na!July 3, 2025 09:35 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Noong bata pa ang komedyanang si Kiray Celis ay madalas siyang kunin ng namayapang aktres na si Ate Matutina sa mga fiesta.P1500 lang ang TF noon ni Kiray sa bawat akyat ng entablado at sa isang gabi ay napagsasabay nito ang dalawang entablado.Chika pa sa akin ni Ate Matutina, kaya ganoon na lang ang suporta at pagtulong niya kay Kiray ay breadwinner ito sa kanyang pamilya tulad niya.Hanggang sa sumikat na nga si Kiray bilang komedyana at social media infuencer.February 2025 ay namayapa si Ate Matu.In fairness, kasabay ng pagsikat ni Kiray ay siyang pag-angat rin ng kanyang yaman.Yes, mula sa karinderya na pinagsosyohan nila ng fiance na si Stephan Estopia, ngayon ay isa nang certified milyonarya si Kiray.At yumaman siya nang husto dahil sa mga ibinebentang beauty products at iba pa sa online.Afford na nga nitong regaluhan ng kotse ang kanyang nanay.At tuwing birthday ng kanyang nanay at tatay ay tig-100K naman ang regalo niya sa mga magulang.Naipagpatayo na rin niya ito ng bahay at meron na rin silang paupahang apartment.By the way, engaged na pala si Kiray kay Stephan na ilang years na niyang boyfriend. Peter Ledesma