Home HOME BANNER STORY Atong Ang iningusong ‘utak’ sa missing sabungeros

Atong Ang iningusong ‘utak’ sa missing sabungeros

361
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Julie “Dondon” Patidongan, ang tinaguriang whistleblower na isa sa mga akusado sa kaso ng nawawalang sabungeros, na si negosyanteng Charlie “Atong” Ang umano ang utak sa likod ng mga pagdukot, katuwang sina Eric Dela Rosa at Engr. Celso Salazar, ayon sa isang exclusive report ng GMA News,

Sinabi pa ni Patidongan, alam umano ng aktres na si Gretchen Barretto ang nangyayari dahil palagi itong kasa-kasama ni Ang.

Dating chief of security ni Ang, sinabi ni Patidongan na iniuutos sa kaniya na hulihin at “iligpit” ang mga sabungerong nandaraya.

“Si Mr. Atong Ang… siya ang pinaka-mastermind,” aniya. Inilahad din niyang may mga pulis na inutusan upang isagawa ang krimen.

Ipinaliwanag ng whistleblower na ngayon lamang siya lumantad dahil nagtitiwala siya kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre.

“Lumutang ako dahil alam kong hindi siya kayang bayaran,” aniya.

Mariin niyang itinanggi ang paratang na sangkot siya sa mga pagdukot at sinabing isa lamang siyang tagasunod bilang farm manager.

Pinabulaanan din niya ang akusasyon na sinubukan niyang mangikil ng ₱300 milyon kay Ang. Sa halip, si Ang umano ang nag-alok sa kanya ng pera kapalit ng paglagda sa recantation na tinanggihan niya.

Nakatakdang magsampa ng reklamo si Ang laban kay Patidongan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here