Home METRO Ilang pasahero sa Maynila, istranded sa baha

Ilang pasahero sa Maynila, istranded sa baha

(Screengrab from Radyo Pilipinas)

MANILA, Philippines – Maraming pasahero ang na-stranded nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 3, dahil sa malakas na ulan sa Metro Manila.

Sa Ortigas Avenue sa Pasig at Commonwealth Avenue sa Quezon City, makikitang nag-aabang ng masasakyan ang mga commuter kahit may payong.

May baha rin sa ilang kalsada—gutter-deep sa westbound ng Quirino Avenue at lampas-gutter sa Andrews Avenue-Tramo, ayon sa MMDA. Bagama’t may baha, nadaraanan pa rin ng lahat ng uri ng sasakyan.

Ayon sa PAGASA, ang Low Pressure Area at Habagat ang sanhi ng pag-ulan.

Inaasahan ang 50-100 mm ng ulan sa Metro Manila at iba pang lalawigan mula Miyerkules hanggang Huwebes ng gabi. RNT