Home ENTERTAINMENT Daniel, nagpasaya ng mga batang cancer patients!

Daniel, nagpasaya ng mga batang cancer patients!

MANILA, Philippines – Nakatutuwa naman si Daniel Padilla.

Sa kabila kasi ng kanyang busy schedule, naglaan talaga siya ng ng oras at nag-effort pa para bisitahin ang mga batang cancer patient na pansamantalang nanunuluyan sa Bahay Aruga sa Paco, Manila nitong weekend.

Matagal na ring tumutulong at bumibisita si Daniel sa Bahay Aruga.

Hindi lang mga batang may cancer ang napasaya ng aktor sa kanyang pagbisita roon kundi maging ang mga magulang at guardians ng mga ito, pati na rin ang volunteers ng nasabing foundation.

Dahil nga sikat ang seryeng Incognito, kung saan isa sa mga bida si Daniel, ay panay ang tawag sa kanya ng mga tao roon ng Andres Malvar, ang pangalan ng character niya sa nasabing serye ng Kapamilya network.

Kasabay ng pagdalaw ni Daniel sa Bahay Aruga ay ang ang selebrasyon ng unang anibersaryo ng latest fan group niyang DJ FORDever.

Kilala ang aktor na may soft spot sa mga bata, matatanda, mga hayop, at sa kalikasan, kaya naman nai-inspire niya ang kanyang mga faney na tularan siya sa kanyang advocacies.

Kaya tulad ng ibang fandom ni Daniel, pinili ng DJ FORDever na mag-celebrate ng kanilang anniversary na may social responsibility activity, na kasama ang kanilang idolong si Daniel.

Anyway, bukod sa mga ayudang grocery items at pa-party sa kids, super appreciated talaga ng mga pasyente ang makita at mayakap ang idolo nilang aktor.

Post nga ng leader ng fan group, “Daniel is the person who inspired and reminded us to do good deeds with the people around us and to give back to the community. We’re always proud of you Daniel!

“We are so lucky to witness this genuine happiness he shared with these kids. Can’t get over about the experience. Thank you so much Boss Supremo!”

Salamat sa iyong kabaitan, Daniel! Rommel Placente