Home METRO Tiyuhin arestado sa paggahasa sa 3 pamangkin

Tiyuhin arestado sa paggahasa sa 3 pamangkin

159
0

DAVAO CITY-NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) – Southern Mindanao ang isang lalaki sa isinagawang entrapment operation matapos ireklamo ng panggagahasa sa tatlo nitong pamangkin, iniulat kahapon, Hulyo 3 sa lungsod na ito.

Sa bisa ng warrant of arrest nadakip ang suspek sa pinagtataguan nito sa Ecoland, Davao City.

Batay sa report, taong 2018 nagsimula ang paulit-ulit na panggagahasa ng suspek sa mga pamangkin nito na noo’y edad 9, 11, at 13 taong gulang.

Nakapagsumbong ang isa sa mga biktima sa kanyang ina taon 2022 at nakapagtago na ang suspek.

Kasalukuyan nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office ang mga biktima para sa kaukulang psychosocial intervention. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here