Home METRO HVI na tulak, mahulihan ng P.5M droga

HVI na tulak, mahulihan ng P.5M droga

MANILA, Philippines – Arestado ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.5 milyong halaga ng shabu nang matiklo ng pulisya buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas ang naarestong suspek na si alyas “James”, 41, ng Brgy., Ugong ng lungsod.

Ayon kay Col. Bisayas, dakong alas-10:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek matapos bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer sa Sugar St., Brgy. Karuhatan.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 72 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P489,600, buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money, P200 cash at cellphone.

unang nakatanggap umano ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ng suspek kaya ikinasa nilang ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas James.

Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek sa pamamagitan ng Inquest Proceedings sa Valenzuela City Prosecutors Office. Merly Duero