MANILA, Philippines – Naaresto ng Cavite PNP ang limang katao na may patong-patong na kaso makaraang ang pagtatago sa batas sa isinagawang follow-up operation.
Base sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Cavite Police Provincial Office, kinilala ang mga nadakip na sina alyas Jake, Most Wanted Regional Level na may Criminal Case no. 2025-767 ng RTC Br. 15 Lucena City kasong Statutory Rape na nadakip ng Gen. Trias CCPS sa Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City.
Kasunod nito naaresto rin ang isang alyas Glenn sa Brgy. Calsadang Bago 2, Imus City na may Crim. Case no. DC-17443 sa RTC Br. 129 Dasmariñas City dahil sa kasong Viol. of Sec. 5 (a) of R.A 9262.
Pangatlo ang isang alyas John ng Brgy. Agus-os, Indang Cavite dahil sa kasong Sexual Assault under Art. 266-A of RPC na may Crim. Case no. TMCR-991-25 ng RTC Br. 5 Trece Martirez City.
Nadakip rin si alyas Renaly ng Brgy. Amaya 5, Tanza Cavite dahil sa kasong Viol. of R.A 9165 na may Crim. Case no. TMCR-711-19 ng RTC Br. 131 Trece Martirez City, at si alyas Jesven ng Brgy. St. Peter 1, Dasmariñas City na may 87 kasong Violation of Natl Internal Revenue Code sa RTC Br. 130 Trece Martirez City.
Patuloy naman ang ginagawa ng kapulisan sa pagtugis sa mga indibidwal na may mga kaso at kasalukuyang nagtatago sa batas. MARGIE BAUTISTA