Home NATIONWIDE Mas mahigpit na regulasyon sa online gambling, oks sa PAGCOR

Mas mahigpit na regulasyon sa online gambling, oks sa PAGCOR

347
0

MANILA, Philippines – Bukas ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa panukala na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon laban sa online gambling.

Sinabi ng PAGCOR sa isang pahayag, kasunod ng paghahain ng Senate bill na humihiling ng mas istriktong patakaran laban sa online gambling, na prerogatibo ng mga mambabatas ang paggawa ng batas na sa tingin nila ay makabubuti sa publiko.

Inihain ang panukala ni Senator Sherwin Gatchalian, na nagsusulong din ng pagbabawal sa paggamit ng e-wallets para sa online gambling.

Tiniyak ng PAGCOR sa publiko na, kasama ng mga kaugnay na ahensya at organisasyon, ito ay nananatiling “ganap na nakatuon” sa pagpapaigting ng kanilang pagsisikap laban sa paglaganap ng mga ilegal na aktibidad sa online gaming.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here