Home ENTERTAINMENT Shuvee, tinawag na ‘starlet,’ nasaktan!

Shuvee, tinawag na ‘starlet,’ nasaktan!

285
0

Manila, Philippines – Sa isang panayam, inamin ni Shuvee Etrata na bilang baguhan ay marami pa siyang kakaining bigas para marating ang pinapangarap na stardom.

Kumpara sa ibang matagal na sa showbiz, mahaba pa raw ang kanyang journey para mapatunayang may puwang siya sa mundo ng pinilakang tabing.

Gayunpaman, medyo masakit daw sa tenga niya kapag tinatawag siyang starlet, lalo na’t alam naman daw niyang may talento siya.

“I’m not in that position to say na I’ve been here na for years. I’m just here for, let’s say, three years, four years.
Marami pa po akong i-improve na skills,” ani Shuvee.

“However po, ‘yong word lang po na starlet, medyo masakit lang po siya. Kasi parang ‘pag kinonek mo siya sa GMA, parang I’ve seen how GMA do their best para i-push po kaming mga artist,” dugtong niya.

Nagpasalamat din siya sa kanyang mother network sa patuloy na pag-aalaga sa kanya.

“Hindi po ako pinabayaan ng GMA. I’m very grateful, hindi po ako nawalan ng trabaho. Nasasaktan lang po akong tawaging starlet,” sey niya.

Sa huli, hindi naman iginiit ni Shuvee na made na siya sa kanyang estado bilang artista.

Matatandaang bumuhos ang suporta kay Shuvee matapos siyang ma-evict sa Bahay ni Kuya kasama ang ka-duo na si Kapamilya singer Klarisse De Guzman.

— Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here