Home ENTERTAINMENT Ivana, ‘nabudol’ ng anak ni Katrina!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ivana, ‘nabudol’ ng anak ni Katrina!July 5, 2025 12:34 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Highway robbery with consent.Ganito ang mala-nangyari kay Ivana Alawi na nalagasan ng datung out of her fascination sa anak ni Katrina Halili.Nag-iisa lang ang anak ni Katrina, si Katie, sa singer na si Kris Lawrence.As usual, namahagi na naman ng kanyang blessings ang actress-vlogger.At ang recipient nga nito ay ang grade schooler na si Katie.Naantig kasi ang puso ni Ivana sa kabaitan at sweetness ni Katie.Dala na rin ’yon ng maayos na pagpapalaki ni Katrina.Kaya naman in-spoil ni Ivana ang dalagita sa kanyang Can’t Say No to Katie challenge.Ivana simply wanted to reward Katrina’s daughter.Una silang pumunta sa Toy Kingdom kung saan nasa isip na ni Katie ang mga laruang gusto niyang bilhin.At marunong na ring tumawad ang bagets, ha?Sinundan ito ng pagbili ni Ivana ng iPhone para kay Katie.Kaagad namang finlex ni Katrina ang regalong iPhone, thanking Ivana for it.Hindi nga nagkamaling “nagpabudol” si Ivana kay Katie na very appreciative sa gesture niyang ’yon.Naku, gasino lang naman ang halaga ng iPhone sa vlog earnings ni Ivana, ’no?Kaya Katie, shout: “More!”— Ronnie Carrasco III