Home ENTERTAINMENT Lorin atrasado sa nose job

Lorin atrasado sa nose job

Manila, Philippines – Nagtanong-tanong muna si Lorin Gutierrez Bektas kung magkano ang magagastos kung sasailalim siya sa nose job.

Si Lorin, 21, ang panganay sa dalawang anak ni Ruffa Gutierrez sa dating Turkish husband na si Ylmaz Bektas.

Binalak ni Lorin na ipaayos ang kanyang ilong.

Bagama’t hindi naman daw ito “awful” – gaya nga ng paglalarawan niya – “it’s not a Filipino nose.”

Dahil dito’y sa abroad pa ang target niyang mga dalubhasang cosmetic surgeon.

Curious, tumawag si Lorin sa ilang clinics sa Los Angeles.

Pero nagulantang daw siya sa presyo.

Tumataginting na US$70,000 daw ang halaga!

Kapag kinonvert sa piso, aabot ito ng humigit-kumulang P3.9 milyon – halagang hindi raw siya willing gastusin!

Mas gugustuhin daw ni Lorin na ibili na lang ito ng tatlong Birkin kung may ganoong kalaking pera siya.

“I’d rather look like Pinocchio for the rest of my life than spend more than P3 million!” katwiran ni Lorin.

Samantala, pangarap daw ni Lorin na maging plastic surgeon kalaunan – realizing how much money she can make.

Ang downside nga lang daw doon ay: “When you make someone pangit!”

— Ronnie Carrasco III