Home METRO Bulkang Kanlaon, namamaga

Bulkang Kanlaon, namamaga

270
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na apat (4) na volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Kanlaon at ang patuloy na pamamaga ng bulkan iniulat nitong Sabado, Hulyo 5.

Ayon sa Phivolcs nakataas sa alert level 3 ang paligid ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalboroto nito.

Sinabi pa ng ahensya na namataan din ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 75 metro.

Inirekomenda din ng Phivolcs ang paglikas ng mga residente na naninirahan sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.

Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Pinaalalahanan din ng Phivolcs ang publiko na maaring maganap ang mga sumusunod gaya ng biglang pagsabog ng bulkan, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, pagguho ng bato at pagdaloy ng lahar kung may malakas na ulan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here