Home METRO Maliban kay Bising, 10-18 pang bagyo inaasan ngayong 2025

Maliban kay Bising, 10-18 pang bagyo inaasan ngayong 2025

MANILA, Philippines – Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Deputy Administrator Mar Villafuerte, 10 hanggang 18 pang bagyo ang inaasahang pumasok o mabuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) bago matapos ang taon.

“We’ve had two, so we’re stull expecting about 10-18 more tropical cyclones before 2025 ends,” ani Villafuerte.

Dagdag niya na sa buwan ng Hulyo, isa hanggang dalawa panh tropical cyclones ang inaasang pumasok o mabuo sa PAR, maliban sa bagyong Bising, na sa ngayon ay minomonitor.

Ang bagyong Bising ay nabuo noong Biyernes, Hulyo 4 ng umaga at lumabas sa PAR parehong araw ng hapon. Huli itong namataan 460km sa kanluran ng Basco, Batanes, labas ng PAR.

Gayunpaman, ayon kay Villafuerte, lalakas pa ang bagyong Bising dahil sa southwest monsoon o habagat, na nagdadala ng ulan sa kanlurang bahagi ng bansa, partikular na sa Northern Luzon at iba pang bahagi ng Visayas. RNT/MND