MANILA, Philippines – Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang certifiacte of finality at entry of judgement nitong Lunes na nagpapatibay sa proklamasyon ni Benny Abante bilang nanalong kongresista ng ika-6 na distrito ng Maynila.
Kasabay nito, pinako-convene ng Comelec ng City Board of Canvassers ng Maynila upang iproklama si Abante.
Ito ay matapos pagtibayin ang resolusyon na nagpapawalang bisa sa proklamasyon ni Joey Uy na nakakuha ng pinakamaraming boto noong May 12 elections.
Dahil sa isyu ng citizenship, binawi ang pagkapanalo ni Uy .
Ang nag-iisang kalaban ni Uy na si Abante na reelectionist ang naging duly qualified na kandidato at idineklarang panalo sa halalan noong 2025 midterm elections. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)