Home METRO BIR naghain ng P797M tax evasion case vs 2 large-scale illicit cigarette...

BIR naghain ng P797M tax evasion case vs 2 large-scale illicit cigarette ops

236
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Lunes, Hulyo 7 na naghain ito ng tax evasion cases laban sa dalawang large-scale illicit cigarette operations na nagresulta sa tinatayang P796.95 milyong tax deficiencies.

Ayon sa BIR, ang mga kaso ay inihain sa Court of Tax Appeals (CTA) noong Hulyo 1, makaraang manindigan ang Department of Justice pabor sa kagawaran.

Inireklamo ng BIR ang lessee ng warehouse na matatagpuan sa Brgy. Ugong, Valenzuela City, sa hindi legal na pagkakaroon ng mga produktong dapat ay isinasailalim sa excise tax.

Isa pang kaparehong reklamo ang inihain laban sa Chinese national na pinaniniwalaang nagpapatakbo ng illegal cigarette manufacturing facility sa Brgy. Moranquillo, San Rafael, Bulacan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here