MANILA, Philippines – Nais ng Department of Justice (DOJ) na simulan ngayong linggo ang paghahanap sa Taal Lake sa mga labi ng mga nawawalang sabungero.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sisimulan ang proseso sa pagsasagawa ng survey at mapping sa lugar.
Sa ngayon aniya ay wala pang tugon ang gobyerno ng Japan sa ipinadala niyang liham kung saan humihiling ito ng tulong para sa isasagawang paghahanap.
Ayon sa kalihim, mangangailangan din ng professional divers para maisagawa ang proseso.
Naniniwala si Remulla na ang pahayag ng mga testigo kabilang ang statement ni Julie “Totoy” Patidongan tungkol sa mga “missing sabungeros” ay malaking tulong upang maresolba ang misteryo ng kanilang pagkawala. TERESA TAVARES