Home ENTERTAINMENT Tali, sumama sa lamay kay Lolit, nag-lead pa sa dasal!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tali, sumama sa lamay kay Lolit, nag-lead pa sa dasal!July 8, 2025 09:252290 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Linggo ng umaga nang dumalaw ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna sa lamay ni Lolit Solis.Si Lolit ang manager ni Pauleen.Kasama ng mag-asawa ang kanilang panganay na si Talitha o Tali.Bago rito ay tinanong ni Pauleen ang anak kung gusto nitong makita ang kanyang Lola Lolit.Naging instant close kasi ang manager at si Tali mula nang unang magkita.But Pauleen already told Tali beforehand na namaalam na nga si Lolit.Naabutan ng Sotto family na nakasara ang kabaong ni Lolit.Sealing it was the least Lolit’s family could do kahit ang request nito’y i-cremate siya agad.Pinabuksan ang kabaong ni Lolit at saka nag-alay ng dasal ang pamilya Sotto.Bale ba, it was Tali who led the prayer.Alam daw ni Tali na diretso sa langit ang kanyang Lola Lolit.Samantala, sa Miyerkoles na ang inurnment ng mga labi ni Lolit.Muli, mula sa Remate Online, payapang paglalakbay, Manay Lolit Solis. Ronnie Carrasco IIi