Home METRO 2 bahay wasak, 1 sugatan sa natumbang puno sa MisOr

2 bahay wasak, 1 sugatan sa natumbang puno sa MisOr

246
0

MISAMIS Oriental, Philippines – Dalawang bahay ang nasira habang isang residente ang nasugatan nang matumba ang puno kasabay ng pagbuhos ng ulan sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Nakatayo noon ang puno ng Anonang sa Zone 6B sa Barangay Natumolan.

Isa sa mga bahay ang gumuho matapos ang impact at nagdulot ng malaking pinsala sa bubong at ikalawang palapag.

Ligtas ang isang bagong silang na sanggol na nasa ikalawang palapag. Gayunpaman, nagtamo ng minor injury ang ina ng sanggol.

Inalis ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang puno kinabukasan.

Pansamantalang nananatili sa barangay hall ang mga apektadong residente habang naghahanap sila ng pondo para sa pagpapaayos ng kanilang mga bahay.

Humingi din sila sa publiko para sa mga donasyon tulad ng construction materials. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here