Home METRO P175M ismagel yosi, nasabat ng Customs sa Zambales

P175M ismagel yosi, nasabat ng Customs sa Zambales

4
0

ZAMBALES, Philippines – Tinatayang nasa P175 Milyon halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Subic mula sa apat (4) na inabandonang 20-footer van sa isang private port /compound sa Palauig.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa apat (4) na 20-footer container van na hinihinalang naglalaman ng umano’y mga puslit na sigarilyo na iniwan sa loob ng compound ng Isang private port sa naturang lugar.

Sa ulat, nadiskubre ang mga kontrabando, matapos umanong mamataan ng mga nag-iinspeksiyong taga-DENR sa private port dahil sa ilang paglabag, at mapansin daw ang ilang mga sasakyang pandagat na kahina-hinalang nagbababa umano ilang mga shipping container sa Lugar, kaya agad ipinagbigay alam sa Customs.

Sa bisa ng Mission Order para sa aktwal na beripikasyon,  inabutan ng Customs ang apat na container sa lugar na umano’y umalingasaw ang Amoy na “tabako”, kung saan ng buksan, tumambad ang kartu-karton/master cases ng mga smuggled/puslit na sigarilyo.

Sa bisa ng Warrant of Seizure na inilabas ng Customs nakumpiska ang mga kontrabando.

Nakumpiska ng Customs ang ilang master cases ng mga smuggled na “Modern” brand cigarettes na nagkakahalaga ng Hindi umano bababa sa P175 Milyon (Hindi pa nabuwisan o pawang Wala BIR Tax Stamps).

Wala/Hindi umano inabutan ang mga awtoridad ang nagmamay-ar ng mga kontrabando. Habang inaalam pa kung sino ang nagmamay-ar I ng pribadong pantalan/pier kung saan inabutan ang mga kontrabando.

Nasa kustodiya na nang Customs ang mga nasabat na sigarilyo habang inihahanda na ang posibleng pagsasampa ng kaso Kaugnay sa paglabag sa Custom Modernization and Tariff Act (CMTA). (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here