MANILA, Philippines – Pinabura ni Senador JV Ejercito ang panukala ni Senador Panfilo Lacson na bawasan ng P2 bilyon ang P7.7 bilyon na badyet ng Senado sa susunod na taon.
Sa pahayag, sinabi ni Ejercito, chairman ng Senate committee on finance na bukas siya sa panukala ni Lacson, chairman naman ng Senate committee on accounts, sa panukala upang maging halimbawa sa Mababang Kapulungan.
Umaasa si Lacson na kapag binawasan ng P2 bilyon ang badyet ng Senado, susunod ang Mababang Kapulungan upang makatipid ang gobyerno.
“The ₱7.7 billion budget was approved at the committee level for plenary consideration. However, it is not yet final. The possible ₱2 billion reduction is still on the table and will be subject to further discussions during the plenary deliberations,” ayon kay Ejercito.
“We want to practice what we preach. If we are asking other government agencies to exercise fiscal discipline and justify every peso of their budget, then the Senate should lead by example,” dagdag niya.
Naunang natuklasan ni Lacson na P5 bilyon ang idinagdag ng Mababang Kapulungan sa sarili nitong badyet sa 2027.
“Magbabawas kami ng (mga) P2 billion just to set the trend for the House to follow,” ayon kay Lacson.
Nanawagan ang ilang senador na mas himayin pa ang 2027 national budget sa gitna ng desisyon ng Supreme Court na ibinabasura ang ilang bahagi ng 2024, 2025 at 2026 budgets sa Unprogrammed Funds. Ernie Reyes