MANILA, Philippines – Planong simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration para sa barangay at sangguniang kabataang election sa unang linggo ng Agosto.
Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, ang BSKE voter registration ay isasagawa lamang sa loob ng 10 araw.
Pag-aalala ni Garcia, paano aniya kung matuloy ang halalan pero wala namang nakarehistrong mga botante tulad sa mga kabataan mula sa edad 15-17 taong gulang.
Kaya namaaniya, mahirap ang kanilang kalagayan dahil naghihintay sila kung tuloy ba o postponed o reset ang BSKE.
Kung matutuloy ang plano, tatapusin ang hearing ng registration board bago mag Agosto at gagawin ang voters registration sa unang linggo ng nasabing buwan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)