Home METRO Castro, nilinaw na hindi siya nagpasaring na mayroong ‘kamay’ si Villar sa...

Castro, nilinaw na hindi siya nagpasaring na mayroong ‘kamay’ si Villar sa PrimeWater deals

311
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na hindi siya nagpasaring o nagpahiwatig na mayroong ‘kamay’ si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa kasunduan sa PrimeWater.

Kung matatandaan, noong nakaraang linggo ay sinabi ni Castro na ang joint venture agreements (JVAs) sa pagitan ng PrimeWater at iba pang local water districts ay tumaas noong 2019 kung saan ang Local Water Utilities Administration (LWUA) ay nananatiling attached agency ng DPWH.

”Ang pagkaka-describe lang naman natin ay mas dumami noong 2019 at noong ito ay na-attach nga sa DPWH iyong LWUA, okay. Ang LWUA kasi ay attached agency dati ng DPWH at hindi tayo nagbibigay ng insinuation na dahil kay Secretary at that time, Mark Villar, dahil nagkataon kasi siya iyong namumuno sa DPWH. At sa aking pagbabasa, wala siyang naging partisipasyon patungkol dito sa mga transaksiyon,” ang sinabi ni Castro sa press briefing sa Malakanyang.

”Mas maganda nga po sana kung siya ay nagkaroon nang mas malalimang pagpa-participate dahil baka mas naiwasan pa iyong problema ng PrimeWater. Iyon lang,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ang PrimeWater Infrastructure Corp. ay pag-aari ng pamilya Villar.

Sa ulat, nagpalabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na imbestigahan ang reklamo ng mga taga-Bulacan laban sa PrimeWater.

Ang PrimeWater, ay may joint venture agreements sa maraming local water districts pero binabaha ng reklamo sa mga water service interruption hindi lang sa Bulacan kundi sa iba pang panig ng bansa.

Noong nakaraang buwan ay dinalaw ni Pangulong Marcos ang dalawang public school sa Bulacan kung saan nadismaya ito sa pagkadugyot ng palikuran dahil walang tubig na magamit dito.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, kumplikado ang sitwasyon sa Malolos dahil may joint venture agreement ang local water district sa PrimeWater.

Nangako na ang PrimeWater na aayu¬sin ang problema sa suplay ng tubig sa Bulacan at sa iba pang lugar na sineserbisyuhan nila. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here