BULACAN, Philippines – Arestado ang walong wanted sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya kabilang ang isang Most Wanted Person (MWP) noong Hulyo 7 sa lalawigang ito
Ayon kay PLTCOL EDILMAR G ALVIAR, Hepe ng San Jose Del Monte CPS, naaresto si alias Dante, Top 4 Most Wanted Person (City Level), sa Brgy. Minuyan Proper, CSJDM, dahil sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, pito pang wanted persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Santa Maria, Marilao, Bocaue, Baliwag, Malolos, Balagtas, at Plaridel.
Patuloy ang maigting na kampanya ng Bulacan police sa pamumuno ni PCOL ANGEL L GARCILLANO, laban sa kriminalidad para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (Dick Mirasol III)