Home METRO Ilang lugar sa Luzon, Mindanao binaha sa malalakas na ulan

Ilang lugar sa Luzon, Mindanao binaha sa malalakas na ulan

279
0

MANILA, Philippines – Nakaranas ng pagbaha ang ilang lugar sa Luzon at Mindanao dahil sa malalakas na buhos ng ulan nitong Martes, Hulyo 8.

Sa Metro Manila, maraming mga motorista ang naistranded sa Mandaluyong City at Pasig City.

Nalubog din sa baha ang River Drive sa Las Piñas City at sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX), kung saan hindi na makadaan ang mga motorista.

Umabot pa ng hanggang 12 kilometro ang hindi umuusad na trapiko sa SLEX mula Alabang exit southbound at apat na kilometro mula sa Sucat exit northbound.

Samantala, natagpuan ang isang bata na walang malay sa gilid ng ilog sa Barangay Talon 3 sa Las Piñas City.

Agad na dinala sa ospital ang bata matapos na hindi ito magising sa kabila ng isinagawang first aid.

Mahigit 100 pamilya naman ang apektado at tumutuloy sa mga modular tent sa covered court.

Ganito rin ang naging sitwasyon sa maraming lugar sa Cavite, Cotabato, Mlang at Zamboanga City.

Nasa kabuuang 97,274 katao o 31,106 pamilya sa Luzon ang apektado ng Tropical Cyclone Bising at Southwest Monsoon o Habagat, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Miyerkules, Hulyo 9.

Sa report ng NDRRMC, ang mga apektadong populasyon ay nasa Ilocos Region, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region (CAR). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here