Home NATIONWIDE Sekyu nagbalik ng napulot na P1.5M bracelet

Sekyu nagbalik ng napulot na P1.5M bracelet

244
0

MANILA, Philippines – Ibinalik ng isang security guard ang P1.5 milyong bracelet na napulot nito, sa tunay na may-ari nitong Linggo, Hulyo 6.

Kinilala ang security guard na si Francisco Dialogo ng Topwatch Corporate Security Services Inc., na naka-duty nang mga oras na iyon kung saan nakita niya ang naiwanang diamond-studded gold bracelet sa entrance ng third level ng mall bandang 1:20 ng hapon.

Agad na itinurn-over ni Dialogo ang bracelet sa Customer Relations Services Office.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating ang babaeng customer sa Customer Relations Office upang magtanong sa nawawala nitong bracelet.

Nagpasalamat naman siya sa security guard nang malaman ang pagbalik nito ng alahas.

Pinuri rin si Dialogo sa ipinamalas nitong integridad at katapatan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here