MANILA, Philippines – Nagsagawa na ng monitoring operations ang Philippine Coast Guard matapos ang active oil spill response sa Barangay Ipag, Mariveles, Bataan.
Ito ay matapos makolekta ang 1,660 kilograms ng oil-contaminated materials hanggang alas-5 ng hapon ngayong Nobyembre 7, 2026.
Dinala ang 83 sako ng nakolektang materyales sa isang local transfer station sa Mariveles para sa pansamantalang imbakan, habang hinihintay ang turnover sa isang accredited oily waste collector at treatment, storage, and disposal facility.
Nagsagawa ng joint inspection ang PCG response team at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mariveles sa katubigang nakapalibot sa apektadong lugar.
Wala nang nakitang visible oil sheen sa ibabaw ng tubig. Jocelyn Tabangcura-Domenden