Home HOME BANNER STORY Pinas pinatawan ng 20% taripa ni Trump

Pinas pinatawan ng 20% taripa ni Trump

264
0

MANILA, Philippines – Pinatawan ni U.S. President Donald Trump ng 20% na taripa ang mga produkto mula sa Pilipinas na epektibo sa Agosto 1, 2025.

Sa sulat ni Trump, pinalitan nito ang dating 17% na taripa na ipinataw ng US sa Pinas noong Abril.

“We have had years to discuss our Trading Relationship with Bangladesh, and have concluded that we must move away from these long-term, and very persistent, Trade Deficits engendered by Philippines’s Tariff, and Non Tariff, Policies and Trade Barriers. Our relationship has been, unfortunately, far from Reciprocal,” ani Trump sa liham.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng panibagong hakbang ng Amerika laban sa pitong bansa na kinabibilangan ng Algeria, Brunei, Iraq, Libya, Moldova, at Sri Lanka.

Ayon kay Trump, kailangan na umanong wakasan ang matagal nang hindi balanseng kalakalan sa Pilipinas bunsod ng mga taripa at trade barriers nito.

Pinatawan din ng US ang Japan at South Korea ng 25% taripa sa kanilang mga produkto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here