Home ENTERTAINMENT Greta, di magpapa-interview sa kaso ng missing sabungeros!

Greta, di magpapa-interview sa kaso ng missing sabungeros!

280
0

Manila, Philippines – Ayon sa isang kakilala at may konek kay Gretchen Barretto, palagay daw niya ay hindi ito magpapa-interview tungkol sa kinasasangkutan niyang kontrobersiya kung saan itinuro siyang kasabwat daw diumano ni Atong Ang sa nawawalang sabungero, huh!

Ang nagsalita lang para kay La Greta ay ang kanyang lawyer.

Kagaya rin ng aktres na si Sunshine Cruz na karelasyon ngayon ng negosyanteng si Atong ay mas pinili niya na manahimik.

Sinasabing “most wanted” sa kasalukuyan si Gretchen kung kaya naman super trending ang semi retired actress, huh!

May mga kumukumbinsi na nga sa former actress na magsa­lita na at isiwalat ang mga nalalaman niya sa pagkakasangkot diumano ng negosyanteng si Atong sa kaso ng 34 na nawawalang sabungero.

Hindi naman kaila sa lahat na naging extra close sina Gretchen at Atong , huh!

Ikinanta na nga kasi ni Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, na diumano nga’y may kaugnayan si La Greta sa kaso.

Lagi raw kasi magkasama ang dalawa at alam diumano ng dating aktres ang mga sikreto ng negos­yante.

Samantala, Itinanggi na ni Atong at sinampahan pa ng kasong kriminal ang nagsiwalat ng istorya laban sa kanila.

Matagal nang hindi aktibo sa social media si La Greta pero nakikita siya sa mga post ng kanyang make-up artist o stylist.

Let’s wait and see na lang kung saan hahantong ang kontrobersiyang ito, huh! Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here