Home NATIONWIDE Pinoy tinutugis sa Laos-PH drug smuggling gamit private jet

Pinoy tinutugis sa Laos-PH drug smuggling gamit private jet

1
0

MALAYSIA – Tinutugis ang isang Pinoy na suspek sa umano’y smuggling ng 521 kilo ng hinihinalang shabu mula Laos patungong Pilipinas sakay ang isang private jet na nirentahan sa halagang US$49,500 o P3.1 milyon.

Binook ng suspek ang eroplano para magbiyahe ng mga produkto na tinukoy bilang “vape” products.

Sinabi ni Bukit Aman Narcotics Crime Investigation Department (NCID) director Comm Datuk Hussein Omar Khan na ang Pinoy ay pinaniniwalaang may kaugnayan sa isang sindikato na nagbook ng flight noong Setyembre 23, isang linggo bago nakumpiska ng Laotian authorities ang iligal na droga sa Luang Prabang International Airport noong Oktubre 1.

“The flight manifest initially stated that the aircraft was chartered to transport goods described as ‘vape’ products from Laos to Manila,” ani Khan.

Umalis ang eroplano sa Sultan Abdul Aziz Shah International Airport sa Subang nang walang cargo bago dumating sa Laos bandang 11:30 ng umaga.

Bandang 1:30 ng hapon, dumating ang dalawang sasakyan na may kargang 23 bag na inilipat umano sa jet.

Ani Comm Hussein, ibinigay na ng pulisya ang impormasyon sa Philippines Drug Enforcement Agency para matunton ang indibidwal na pinaniniwalaang nasa Pilipinas.

“We are still investigating whether the activity was confined to Laos and the Philippines or whether there was also an attempt to bring the drugs into Malaysia,” aniya.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung sangkot ang may-ari ng eroplano o hindi nito alam na ginamit sa iligal na aktibidad ang serbisyo ng kompanya.

Ang Laos-bound flight ang ikawalong booking sa siyam na natanggap.

Sinabi ng abogado ng kompanya na hindi pa ito nahuli kailanman sa pagbibiyahe ng kontrabando.

Ani Comm Hussein, tila nagpalit ng taktika ang mga sindikato matapos higpitan ang security controls sa Kuala Lumpur International Airport. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here