Home NATIONWIDE NMC dismayado sa mga politiko na tumangging manindigan sa mga mangingisdang Pinoy

NMC dismayado sa mga politiko na tumangging manindigan sa mga mangingisdang Pinoy

2
0

MANILA, Philippines -NAGPAHAYAG nang pagkadismaya ang National Maritime Council (NMC) sa mga lokal na politiko na tumangging manindigan para sa mga mangingisdang pinoy na paulit-ulit na nakararanas ng harassment mula sa Tsina sa West Philippine Sea (WPS).

“Kung ikaw ay salungat ang sinasabi mo sa sinasabi ko, at pinapanigan mo pa yung salita ng kabila. What does it speak of us as a Filipino?” ayon kay NMC spokesperson Alexander Lopez sa isang panayam.

“Tignan mo yung mga matataas na politiko, did they condemn ‘yung mga ginagawa ng Chinese government sa ating mga mangingisda sa karagatan, may narinig ba kayo? Until now, wala tayong narinig,” dagdag na wika nito.

Binigyang halimbawa ng NMC ang Chinese vessels na di umano’y hinarangan ang medical evacuation ng mga magdaragat ng Philippine Navy na naging dahilan ng pagkakaantala sa huli na makalipat sa Philippine Coast Guard vessel.

“Instead na makarating sa Coast Guard vessel, na doon sana ililipat yung may sakit na tauhan natin, tumagal ng halos sampung oras na paghaharang nila,” ang sinabi ni Lopez.

Ang isa pang insidente ng harassment ng Tsina ay ang pagharang sa resupply mission sa Ayungin Shoal noong September 24.

Dahil dito, nanawagan ang NMC sa publiko na magkaisa sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea.

“Iisa po ang kalaban natin dito. Pilipino tayo. Iisa ang dugo natin. Sana po ay magkaisa tayo. Let’s rally behind our flag. Ang karagatan natin ay mahalaga. Ang karagatan ay livelihood, ito ay may kinalaman sa kinabukasan,” ani Lopez.

Matatandaang, noong 12 Hulyo 2016, nagtagumpay ang Pilipinas sa makasaysayang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa Tsina kaugnay sa mga karapatan sa West Philippine Sea. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here