Home METRO DOLE: Minimum wage sa 5 rehiyon, sinusuri

DOLE: Minimum wage sa 5 rehiyon, sinusuri

269
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ang pagsusuri ng limang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWP) sa kanilang wage orders, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, ito ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na magkaroon ng timely review sa bawat rehiyon , 60 araw bago ang anibersaryo ng kanilang pinakahuling wage order.

Ayon sa kalihim, ang mga rehiyon na magsasagawa ng proseso ay Region I, II, III, IV-A at VII at pagkatapos at susunod na rin aniya ang ibang rehiyon.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng NCR-RTWPB ang P50 wage hike para sa minimum wage earners sa Metro manila na nagdala sa daily minimum wage rate mula P645 hanggang P695 para sa non-agriculture sector at mula P608 hanggang P658 para sa agriculture sector,service at rtail establistments na may mas mababa sa 15 mangaggawa at manufacturing establishments na regular na may mas mababa sa sampung mangaggawa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here