Home METRO Malakanyang rumesbak sa OVP spox: Hindi na kailangan ni VPSD ng attack...

Malakanyang rumesbak sa OVP spox: Hindi na kailangan ni VPSD ng attack dog

211
0

MANILA, Philippines – Hindi na kailangan pa ni Vice President Sara Duterte ang isang ‘attack dog’ para magbitaw ng mabibigat na pahayag at kritikal na atake sa ibang opisyal, para protektahan ang kanyang interes at tanggapan.

“Hindi siya attack dog, definitely, VP Sara does not need any more an attack dog. Hindi niya na po kailangan ang isang attack dog. So, you know what I mean. Okay na po?,” ang sagot ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang sa sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Atty. Ruth Castelo na hindi ito magiging personal na tagapagsalita ni VP Sara kundi magiging tagapagsalita ito ng opisina ng Bise-Presidente.

Nabanggit kasi ni Castelo sa isang panayam na hindi rin siya magiging attack dog ng bise presidente.

Nangako itong hindi magbabato ng putik sa administrasyong Marcos at magtatrabaho lamang para sa mga nagawa at programa ng OVP.

Sa kabilang dako, dumistansya naman si Castro sa umano’y pagtatapat nila ni Castelo.

Ayon kay Castro, hindi nila kailangang magtapatan ni Castelo dahil nakatuon naman sa katotohanan at transparency ang kanilang trabaho bilang mga tagapagsalita.

“No, I don’t think so. Bakit may battle? It’s all about facts, truth, transparency,” ayon kay Castro.

Sinabihan naman ng Malakanyang si VP Sara na tumigil na sa pambabatikos sa administrasyong Marcos at ang ipangalandakan sa buong mundo na walang direksyon ang liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

”Hindi naman siguro din kasama sa mandato ng Presidente na laging personal trip o nagbabakasyon,” ang winika ni Castro.

Samantala, sinabi ni Castro na hindi niya hahanapin ang trabaho na sinasabing kapareho ng trabaho sa kanya at tungkulin.

”Hindi po natin siya hinahanapan ng anumang trabaho, huwag na lang po niyang pintasan ang pamahalaan, dahil ang Pangulo, nagtatrabaho, huwag niya po sanang parang ipangalandakan sa buong mundo na ang Pangulo ay walang direksyon,” ang sinabi ni Castro. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here