Home HOME BANNER STORY Ligtas na pag-aresto kay Bato ipinanawagan

Ligtas na pag-aresto kay Bato ipinanawagan

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Sherwin Gatchalian sa mga awtoridad ng ligtas na pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay ikinokonsidera nang “armed and dangerous” ng mga awtoridad.

Ayon kay Gatchalian, parehong prayoridad ng mga awtoridad ang kaligtasan ni Dela Rosa at ang maaresto ito.

“Sa enforcement agencies, dapat maging ligtas ‘yung pag-aresto kay Sen. Bato,” aniya.

“Hindi pwedeng maging bayolente o may karahasan na mangyari.”

“Importante ligtas siya at ligtas din ang law enforcement agencies… Importante na magkaroon ng maayos na pag-aresto sa kanya,” dagdag ni Gatchalian.

Sa pahayag naman nitong Linggo, Oktubre 25, ganito rin ang sentimyento ni Lacson at sinabing ang pag-aresto kay Dela Rosa ay dapat maisagawa nang mapayapa at walang kaguluhan.

“He (dela Rosa) has his faults, as we all do. But whatever accusations he faces, he is entitled to due process, a fundamental right guaranteed to every Filipino, and for that matter, to every human being,” sinabi ni Lacson.

Matatandaan na nag-alok na ang Department of the Interior and Local Government ng P50 milyong pabuya para sa ikaaaresto ni Dela Rosa.

Ang anunsyo ni Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla noong Biyernes ay kasunod ng impormasyon na si Dela Rosa ay nasa ilalim ng proteksyon ng grupo sa Mindanao.

Ani Remulla, ang operasyon para kunin si Dela Rosa ay maaaring magresulta sa 10,000 masasawi.

“Parang ang lumalabas, itong armed group ay mas matapang pa sa gobyerno,” komento naman ni Gatchalian sa sinabi ni Remulla.

“Ang gobyerno, hindi dapat nakikipag-negotiate sa armed group lalo kung ang armed group ay terrorist group,” dagdag pa.

Si Dela Rosa ay nagtatago matapos isyuhan ng International Criminal Court ng arrest warrant bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaso ng pagpatay at attempted murder kaugnay sa madugong war on drugs ng administrasyon nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here