SAUDI ARABIA – Naharang ng Saudi Arabia ang mga drone at missile sa Riyadh at southern areas ng bansa nitong Linggo, Oktubre 25.
Nitong Linggo, nag-isyu ang Saudi civil defense ng emergency alerts para sa Riyadh, Abha and Khamis Mushait, sa banta ng missile at drone strike sa lugar.
Ayon sa koalisyon, dalawang drone at ballistic missile ang inilunsad patungo sa Riyadh, at isang cruise missile naman patungo sa southern city ng Khamis Mushait.
Kalaunan ay naharang ang 10 ballistic missile na patungo sa timog na bahagi ng Saudi Arabia.
Matatandaan na nagbabala ang Houthi na tatargetin ulit nila ang King Khalid International Airport, na nagbalik operasyon na sa dalawang terminal nito sa kaparehong araw ng pag-atake.
Ayon sa Houthis, inatake nila ang paliparan at oil facilities sa Saudi noong Sabado.
Wala namang direktang komento ang mga awtoridad ng bansa sa sinabi ng Houthi.
Sinabi naman ni Houthi military spokesperson Yahya Saree na ang paliparan ay nananatiling
“military target” at binalaan ang lahat ng airlines, airport staff, at mga biyahero sa paggamit nito.
Matatandaan na 13 ang namatay sa pag-atake ng Houthi sa paliparan noong Oktubre 10, at ikinasugat ng mahigit 300 iba pa. RNT/JGC