Home NATIONWIDE Malakanyang nagreak sa unmodified opinion COA report sa OVP 

Malakanyang nagreak sa unmodified opinion COA report sa OVP 

271
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na ang ibinigay na “unmodified opinion audit rating” ng Commission on Audit (COA) ay hindi nangangahulugan na ginasta ng Office of the Vice President (OVP) nang tama ang pondo nito.

“Liwanagin po natin ang unmodified opinion na ibinibigay po ng COA para po hindi masyadong maguluhan ang ordinaryong Pilipino,” ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Kapag sinabi po kasing unmodified opinion, it pertains only to the financial statement presentation. Ibig sabihin, sumunod lang po sa financial reporting framework, kumbaga iyong format. Kung ano ‘yung laman, nagbalanse,” dagdag niya.

Ang pahayag na ito ay kasunod nang pagtanggap ng OVP ng “unmodified opinion” mula sa COA para sa fiscal year 2024.

Ang unmodified opinion, na tinatawag ding “unqualified opinion,” ay ibinibigay kapag ang COA auditor ay nagpahayag na ang financial statements ay “prepared, in all material respects, by the applicable financial reporting framework.”

Ayon sa pahayag ng COA, “the accompanying financial statements present fairly, in all material respects, the financial position of OVP as of Dec. 31, 2024.”

Gayunman, nilinaw ng COA na ang unmodified opinion ay “does not necessarily mean there were no misstatements found during the audit, nor there were no uncorrected misstatements as at year-end.”

Paliwanag ni Castro, ang tamang pag-ulat ng OVP sa pondo para sa 2024 ay hindi nangangahulugan na tama rin ang paggasta nito.

“Hindi po ito nagpapatunay na walang anomalya. Iba po ‘yung tama ang pag-report at iba ‘yung tama ang paggamit ng pondo,” ani Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here