Home METRO Suspek sa multi-million peso scam, arestado sa Taguig

Suspek sa multi-million peso scam, arestado sa Taguig

272
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng Taguig City Police Station (CPS) ang isang 37 anyos na lalaki na hinihinalang sangkot sa multi-million peso scam na may kinalaman sa pagpapeke ng mga dokumento at pag-iisyu ng talbog na tseke.

Ayon sa report, si alyas Dennis, residente ng Barangay Moonwalk, Parañaque City, ay inaresto sa kanyang bahay sa Taguig noong madaling araw ng Hulyo 9 sa pamumuno ng Investigation and Detective Management Section (IDMS).

Ang suspek ay inireklamo ng isang biktimang si alyas Oliver, logistics officer ng isang IT firm, na niloko gamit ang pekeng pagkakakilanlan at dokumento para makagawa ng malakihang order ng IT equipment na nagkakahalaga ng ₱3.19 milyon. Nag-isyu rin si Dennis ng tseke na nagkakahalaga ng ₱3 milyon na tumalbog dahil sa saradong account.

Narekober sa operasyon ang ilang kagamitan tulad ng network video recorders at cameras, ngunit nawawala pa rin ang 60 units ng Apple iPad Air M3.

Haharap si Dennis sa kasong swindling at bouncing checks at kasalukuyang nakakulong sa Taguig police custodial facility.

Binigyang-diin ni SPD director P/Brig. Gen. Randy Arceo na patuloy ang kanilang kampanya laban sa mga manloloko sa Southern Metro at ipinatutupad ang mabilis at tumpak na operasyon upang sugpuin ang krimen. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here