Home NATIONWIDE Mga nakuhang buto sa Taal Lake, isasailalim sa forensic test

Mga nakuhang buto sa Taal Lake, isasailalim sa forensic test

261
0

MANILA, Philippines – Isasailalim na sa forensic analysis ang mga hinihinalang buto ng tao na natagpuan sa mga sako sa paligid ng Taal Lake, ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez.

Ani Vasquez, dalawang mahalagang pagsusuri ang isasagawa: una, ang pagtukoy kung buto nga ito ng tao at hindi hayop; at ikalawa, ang DNA matching sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Dagdag pa ng opisyal, pinatibay ng mga bagong ebidensya ang kredibilidad ng salaysay ni alyas “Totoy,” isang testigo sa kaso. “Mahalagang suportado ng ebidensya ang kanyang pahayag — hindi basta kwento, kundi real evidence,” ani Vasquez.

Nilinaw din ni Vasquez na hindi minamadali ng gobyerno ang kaso para matiyak na matibay ang mga isasampang demanda.

Tinawag naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isang “breakthrough” ang nadiskubreng buto sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here