Home NATIONWIDE Dave Gomez, tablado kay Sen. Pia, CSOs bilang bagong PCO chief

Dave Gomez, tablado kay Sen. Pia, CSOs bilang bagong PCO chief

245
0

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ni Senador Pia Cayetano at civil society organizations ang paghirang kay Dave Gomez bilang bagong hepe ng Presidential Communications Office (PCO), dahil umano sa matagal nitong kaugnayan sa tobacco industry.

Ayon sa senadora, maling mensahe sa publiko, lalo na sa kabataan, ang pagtatalaga sa isang opisyal na dating communications director ng Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC).

Ani Cayetano, paano raw magkakaroon ng kalayaang kondenahin ang industriya ng sigarilyo kung may malapit na ugnayan ang PCO chief dito?

“Dapat ang nakaupo sa ganitong posisyon ay may kakayahang tumindig para sa kalusugan at kapakanan ng tao, hindi para sa interes ng industriya,” ani Cayetano.

Bukod kay Cayetano, pumalag din ang ilang health at civil society groups sa appointment ni Gomez. Kabilang sa nanawagan sa Commission on Appointments (CA) na ibasura ang nominasyon ay ang Medical Action Group, Child Rights Network, Healthy Philippines Alliance, Youth for Mental Health Coalition, at HealthJustice Philippines.

Giit ng mga grupo, kailangang panatilihing malaya ang pamahalaan mula sa impluwensiya ng mga industriyang nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng publiko.

Dating Director-General ng Philippine Information Agency (PIA) si Gomez bago maitalagang PCO chief.

“Let us never forget: we are duty-bound to protect the next generation,” giit ni Cayetano. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here