Home HOME BANNER STORY Bagong bagyo, hahagupit – PAGASA

Bagong bagyo, hahagupit – PAGASA

287
0

MANILA, Philippines – Ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging isang tropical depression, ayon sa PAGASA.

Ayon sa ulat nitong 2 p.m. ng Hulyo 11, ang bagyo ay nasa 1,920 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hangin na 45 km/h at bugso na 55 km/h, at mabagal na kumikilos pa-kanluran.

Isa pang LPA, ang nalalabing bahagi ng dating Bagyong Bising (international name: Danas), ay nasa labas pa rin ng PAR at mababa ang posibilidad na muling maging bagyo sa susunod na 24 oras.

Patuloy na nakaapekto ang Southwest Monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa. Inaasahan ang paminsan-minsang pag-ulan sa Western Visayas, Negros Island Region, Palawan, at Occidental Mindoro, kung saan posibleng magdulot ito ng flash floods o pagguho ng lupa.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog ang posibleng maranasan sa Metro Manila, Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas.

Asahan din ang panaka-nakang ulan sa natitirang bahagi ng Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here