Home ENTERTAINMENT Chavit, todo depensa kay Gretchen!

Chavit, todo depensa kay Gretchen!

267
0

MANILA – “Karaniwang investor lang siya.”

Ito ang mariing paglilinaw ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa pagkakadawit ng aktres na si Gretchen Barretto sa kontrobersiya ng nawawalang mga sabungero.

Sa panayam sa At the Forefront ng Bilyonaryo News Channel, iginiit ni Chavit na wala umanong kinalaman si Greta sa sinasabing anomalya at maaaring kasosyo lang ito ni Atong Ang sa e-sabong business.

Aniya, posibleng may mga nalalaman si Atong na hindi alam ni Gretchen kaya’t hindi dapat agad pagbintangan ang aktres.

Nauna nang itinanggi ng kampo ni Gretchen sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Alma Mallonga ang mga paratang.

Naniniwala si Chavit na malilinis din ang pangalan ni Greta sa usapin.

Samantala, nanatiling tahimik si Gretchen at wala pa ring inilalabas na personal na pahayag, habang inuurong naman siya ng umano’y whistleblower na magsalita na.

Ang mga sabungero’y sinasabing itinapon sa Taal Lake, dahilan para maapektuhan pati ang kabuhayan ng mga mangingisda, kaya’t napatanong na rin si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa isyu.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here