Manila, Philippines- Tunay bang mga tagahanga ng dating loveteam nina Claudine Barretto at Rico Yan ang “nambubulabog” sa TikTok?
Naabutan nga ba ng mga ito ang kasagsagan ng kasikatan ng sinasabi nilang mga iniidolo nila hanggang ngayon?
May kuha kasi sa mga ito, obyus na they look young at nabibilang sa tinatawag na Gen Z.
No matter how young they are, hindi raw sila bumitiw sa kanilang paghanga kina Claudine at Rico.
Nakakatawa lang kasi ang isang TikTok showing them (they call themselves RYCB fans) sa mismong puntod ni Rico.
Hinihimas-himas pa ng isa sa kanila ang puntod.
Ang tanong: why were they allowed inside the Manila Memorial Park?
At ‘yun talaga ang pakay nila, ha?
Ang mag-TikTok!
Okey na sana, eh. Kaso nagdedebatehen pa ang mga ito as to sires Santino.
Teka, hindi pa ba maliwanag na si Santino ay ang tunay na anak nina Claudine at Raymart Santiago?!
Kesyo may nakuhang features daw si Santino mula kay Rico.
Buti na lang, it took a concerned netizen to get the senseless debate resolved.
Namana ni Santino ang kanyang makinis na kutis mula sa mga Barretto, in the same manner na may mga katangian ding naman ang binata mula sa angkan ng mga Santiago.
Utang na loob, bigyan nila ng katahimikan si Rico! Ronnie Carrasco III