Home ENTERTAINMENT Alex Gonzaga, na-bad trip sa pinagagawang bahay!

Alex Gonzaga, na-bad trip sa pinagagawang bahay!

323
0

MANILA — Viral ngayon ang dance video ni Alex Gonzaga sa saliw ng kantang “Tong, Tong, Pakitong-kitong”—pero ang sayaw, may hugot!

Ibinuhos kasi ni Alex ang inis niya sa kanilang ‘di pa rin tapos na bahay na sinimulan pang ipagawa noong 2021.

Sa kanyang post, sinabi ni Alex na naiintindihan naman niyang na-delay ito dahil sa pandemic at kakulangan ng construction materials. Pero dagdag inis niya,
“Nakabakasyon pa ang contractor ko!”

Sa video, makikitang parang nagwawala na si Alex sa inip, lalo pa’t maging ang kanyang ama ay tutok sa proyekto.

Ang ending? Tuwing magkikita sila ng pamilya—sisihan galore!

Tila sa sayaw na lang muna ni Alex idinaan ang inis. Sabay “pakitong-kitong” na lang muna habang di pa tapos ang bahay! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here