Matapos ang mahigit 100 araw sa loob ng Bahay ni Kuya, itinanghal na Big Winner Duo sina Brent at Mika ng Pinoy Big Brother, bitbit ang kasaysayan bilang unang “Big Winner Duo” ng show.
Sa star-studded PBB Collab Big Night, inanunsyo ni Donny Pangilinan ang resulta ng public voting. Nakuha nina Brent at Mika ang 33.03% ng boto at tig-₱1 milyon bilang grand prize!
4th Big Placers sina AZ at River (AzVer) na may ₱200K cash prize (8.77% votes), 3rd sina Charlie at Esnyr (CharEs) na tumanggap ng ₱300K (22.91%), at 2nd sina RaWi na umuwi ng tig-₱500K (25.88%).
Emosyonal na nagyakapan ang Big Winner Duo habang tinatanggap ang tagumpay na hindi pa nagagawa sa kasaysayan ng PBB. Julie Bonifacio