Home METRO PNR magbabalik byahe sa Lunes

PNR magbabalik byahe sa Lunes

257
0

MANILA, Philippines – Babalik na ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa rutang Calamba hanggang Lucena sa Lunes, Hulyo 14, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).

Tugon ito sa direktiba ng Pangulo na siguraduhing ligtas at maayos ang byahe ng mga komyuter na gumagamit ng PNR.

Sa mga istasyon ng Lucena, San Pablo, at Calamba, maging sa mga flagstops sa Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong (Lalig), IRRI, College, Los BaƱos, Masili, at Pansol naman magbababa at magsasakay ng mga pasahero ang tren.

Nasa P15 Hanggang P105 ang regular na pamasahe sa Lucena papuntang Calamba.

Bibigyan naman diskwento ang mga estudyante, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens, na may dalang lehitimong ID. Magsisimula ang kanilang pamasahe sa 12 pesos hanggang 84 pesos. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here