Home METRO MDSW nagsagawa ng inspeksyon sa MYRC

MDSW nagsagawa ng inspeksyon sa MYRC

212
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang pamunuan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa Manila Youth Recreation Center (MYRC) compound sa Arroceros St., sa Maynila nitong Biyernes ng gabi.

Pinangunahan ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente ang naturang inspeksyon na ang layunin ay upang masigurong malinis at maayos ang buong paligid gayundin ang tanggapan ng MYRC bunsod na din sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na bawal ang dugyot sa lungsod ng Maynila.

Tiniyak naman ni Dela Fuente na bukod sa MYRC ay tuloy-tuloy ang pagsasagawa nito ng mga biglaan o sorpresang inspeksyon sa lahat ng tanggapan na napapailalim sa operasyon ng MDSW nang walang katiyakang oras bilang bahagi ng “walang tulugang gobyerno” ni Yorme.

Samantala, nagkaroon ng isang courtesy meeting sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD NCR) at ng MDSW nitong nakaraang Martes.

Ang naturang inisyatiba ay naglalayong pormal na maipaliwanag kay Director Jay Dela Fuente ang matagal nang “partnership” sa pagitan ng DSWD NCR at ng Manila Local Social Welfare Office, na nagbibigay-diin sa pagtutulungang pagsisikap sa paghahatid ng mga mahahalagang programa at serbisyo sa mga ManileƱo.

Kabilang sa mga pangunahing paksang tinalakay ay ang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); Walang Gutom Program; Pamilya sa Bagong Pilipinas; Technical Assistance and Resource Augmentation (TARA); at pagpaplano ng DSWD.

Muling pinagtibay ng MDSW at DSWD NCR ang kanilang ibinahaging pangako sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap na pamilya at pagsusulong ng inklusibong panlipunang pag-unlad sa Lungsod ng Maynila. (JAY Reyes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here